Friday, September 30, 2011

Ang SAGOT sa Kahirapan - Part TWO





BOWLING – dumating naman sa buhay ko na grumaduate na ko ng college.  (OA naman kung hindi ko pa tatapusin ang 1+6+4+5=16 years kong pagbubulakbol pagsusunog ng kilay.) 

Syempre atat magkatrabaho para may sarili na ring datung.  Na-adik lang tuparin ang mantrang: 

Sariling anda = independence.  Sariling money = endless possibilities.  Sariling pera = less parent’s intervention.

Kaya nung nagka-trabaho ako, GO lang ako ng GO. 

Meron na kasing MAS malaking budget.  Tapos syempre singleness ako.  Yummy.  Yuppie.  Busilak.  Sariwa.  Adventurous! 

At sa ka-GO-GO ko, nahilig naman ako sa pagbo-bowling.

Katulad ng dati, kinarir ko ito. 

Eto na. 

In one of my career-defining-moments sa bowling, kakampi ang isa kong college friend, ina-ply muli namin ang Talo-Bayad-Frame-Rule. 


Sinunod ko ang aking pamatay na moves:

Tumayo pagkatapos tumira ng kalaban.  Pahanginan ang daliri ng kamay sa vent (e wala palang hangin.  Pwes just pretend na meron.  Isa kaya to sa mga critical steps!)  Igalaw-galaw ang mga daliri na ultimo’y nag-i-incy-wincy-spider-went-up-the-water-spout.

Then, kumuha ng bolang kayang-kayang iwasiwas hanggang sa dulo ng lane.  Ipasok ang mga daliri sa makikipot na butas. 

Humarap sa lane.  Magfocus.  Titigan ang kingpin.  Tingnan kung sino ang unang kukurap.  Kung ang kingpin ba o ikaw.  Try mong gulatin, baka sakali lang, haha.   

Kumanta ng My Humps, (yes, your lovely lady/manly hump) at magpump-pump-the-pwet ng 3 times habang derecho ang iyong spinal column, on bended knees at kiput-kiputan o magkatabi ang binti at paa, habang nakatitig pa rin sa kingpin. 

Ipadausdos ang kanang paa ng marahan.  Isunod ang kaliwang paa ng mas mabilis.  Isunod muli ang kabilang paa sa paghakbang, na parang aligaga o natataranta lang. 

Sa huli ay ihagis ang bola na parang na-fed up ka na sa mga ka-eng-engang ginawa mo sa paglalaro ng bowling. 

At this stage dapat ma-maintain mo ang iyong winning form: naka-take-a-bow habang nakikipagtagu-taguan ang kanang paa sa kaliwang paa; nakamwestra ang kaliwang kamay na parang nakikipag-patintero; nagsi-sway pa rin ang kanang kamay dahil sa aftershock ng pagkataranta sa paghagis sa bola; at masama pa rin ang titig sa kingpin!

ENDING:  nagbayad kami ng kakampi ko ng tig-Php1000+.

Galit na galit sya.  Di ko alam kung bakit.   

Thursday, September 22, 2011

Si JASON...




… ang isa sa pinakaBIBO kid na nakilala ko sa buong buhay ko! 

Oo totoo yon!

Ikaw ba naman ang maging HONOR STUDENT mula kinder.  Ikaw ba naman ang maging SCHOLAR ng Makati City Bigay-Pagmamahal nung hayskul.  Ikaw ba naman ang maging SCHOLAR ng SM Foundation, Inc. nung kolehiyo.  Ikaw ba naman ang maging Licensed Electronics and Communications Engineer.  Ikaw ba naman ang pumasang migrante sa AUSTRALIA. 

Oo, IKAW na!  IKAW na ang MAGALING!  IKAW na ang nasa RUROK ng TAGUMPAY!  IKAW na ang SUCCESS STORY!

E naaalala mo ba nung isang beses na nag-adik ka sa bilyar at umuwing madaling –araw na?  Di ba kinotongan ka ng tatay mo, nang tuloy-tuloy at walang puknat, hanggang sa makauwi ka sa inyo?  At dahil nahihiya ka sa mga brgy. tanod, na kilala mo rin, e nakayuko ka lang during the whole ordeal. 

Iniisip ko nga kung pano ka nakatawid sa kalsada, without looking to the left, to the left and to the right, to the right?  Pano yung mga nagdadaanang sasakyan?  Siguro sila ang nag-iwasan.  Ang galing mo talaga. 

E yung mga lakwatsa mong overnight na ang paalam mo e AKO ang kasama mo at sa amin ka matutulog, naaalala mo pa ba yon? 

Syempre pinapayagan ka naman dahil alam nilang kasama mo AKO.  AKO, na may busilak na kalooban, kapita-pitagang pag-uugali at mabuting impluwensya sa ‘yo. 

Hindi lang nila alam, kinukuntsaba mo ako.  At kahit hindi ako payag sa MAITIM mong balak, wala akong magawa.  Nangibabaw pa rin ang pagkakaibigan natin. 

Dahil syempre, kung san ka masaya, sopurtahan taka.

Pasensya ka na nga pala kung hindi ka naging lider sa Science Class natin nung 1st Year.  Alam mo naman ako, bibo rin. 

Ang mahalaga, ikaw naman ang naging Best Actor dahil sa role mong sintu-sinto sa Math & Science Week.  Nakatanggap ka pa nga ng NIPS di ba?  Ang saya-saya mo pa non.

Napaka-natural kasi ng acting mo non.  Sobrang makatotohanan.  Ang galing ng pagkakaganap mo.  Bagay na bagay.  Parang IKAW.  IKAW na IKAW.

Pasensya ka na rin kung nasigawan kita nung 4th Year sa THESIS. 

Nagulat kasi ako nung ang Natural Dye from Tuba (Jatropha curcas) Leaves ay nag-yield ng iba’t ibang kulay.  Sabi mo, depende sa pagkakaluto ng leaves ang kulay na mapo-produce.  Naniwala naman ako.  Yun pala, dinaya nyo.  Sobrang tingkad ng lumabas na result when applied to cloth.  Yun pala, linagyan nyo ng tunay na dyobos.

Pero tingnan nyo naman.  Nagbunga ang pagsigaw ko sa inyo.  Dahil nadagdagan kayo ng isang medalyang pakalat-kalat sa bahay nyo.  Best in Thesis ba naman, naks. 

Kaya sori na ha.  Wag nang mag-umarte.  Antagal na nyon.  Move on na tayo.   

Sa ngayon, musta ka na ba?  Wala na kasi akong balita sa ‘yo.  Lam ko, busy ka.  Hindi ko nga alam kung nasa OZ ka na o sa nasa Pinas o nasa tabi-tabi lang.  Hindi rin tayo nakakapagchat.  Kahit e-mail or FB or text.  Syempre busy din ako.

Pero kahit anong ka-busy-han ko, gusto kong malaman mo, na I wish you well.  Wish ko, lagi kang masaya.  Wish ko, lagi kang may pera.

At... 

In ABUNDANCE of EVERYTHING. 

Always SAFE. 

Always in PERFECT HEALTH. 

Always on TOP. 

                                   HAPPY BIRTHDAY!

Wednesday, September 21, 2011

Ang SAGOT sa Kahirapan - Part ONE

Ipagpaumanhin nyo po kung lately e parang pormalin ako masyado.  Parang na-emo akong bigla.  Hindi naman bagay.  Sa edad kong to, umi-emo?  Drama-drama ang mga posts?  This is not me.  Kaya kung ipapahintulot nyo po, gusto ko po sanang bumalik sa regular programming.        

Nag-aaral pa lang kasi ako, mahilig na ko mangarir.  No-no ako sa Second-Rate-Trying-Hard-Copycat.  Baka kasi matapunan rin ako ng isang basong tubig sa mukha.  Okay lang kung Evian ang tubig, e pano kung tubig na mataas ang coliform count o may E. coli?  Mahirap na.

Ayoko rin ng mediocre lang.  Pangit mabuhay out of mediocrity.  Yung tipong gigising, maliligo, kakain, magta-trabaho, uuwi, kakain, matutulog.  Tapos kinabukasan, ganon na naman.  Nasan ang BUHAY don?  Parang nag-e-EXIST ka lang.  Hindi ka talaga nabu-BUHAY.  Sayang di ba?

Kaya naisipang kong i-share ang ilan sa mga bagay-bagay na kinarir ko sa buong buhay ko.  Sa palagay ko kasi, ang mga ito ang magiging kasagutan sa problema ng global warming, uprising sa Mid East countries at ng bumababang palitan ng US Dollar kontra Philippine Peso.  Magbasa pong mabuti at wag bibitiw.  Dahil siguradong kapupulutan ng aral ang aking post sa araw na ito.  Eto na po.






BILYAR – nag-umpisa lang to sa pagsama-sama ko sa barkada kong kasabay ko umuwi.  Tumatawa-tawa lang ako noong una.  Tawa-tawa lang sa tuwing titira sya tapos hindi tatamaan yung bolang dapat i-shoot sa butas.  Sa isip ko nga, ang eng-eng naman nitong barkada ko.  Madali lang kaya yan.  Pinaghalong Physics at Trigo lang yan.  Kung gusto mo pa, samahan mo na rin ng Geometry.  Tsk, tsk, loser. 

Eto na, sa kakaantay ko sa barkada ko, dumating ang panahong nagtry na rin akong magshoot.  Aba, hindi pala madali.  Challenging pala to!  E ano pa nga ba ang gagawin ko?  E di, karirin.

Bago pumasok sa klase, pagkatapos ng klase, bago umuwi.  Sa Coronado Lanes, Makati Cinema Square, Superbowl, megamol. 

Nakita pa nga namin minsan si Vic Sotto, nagbibilyar din kasama ang mga dabarkads nya.  Gusto ko ngang lapitan at sabihing, “Bossing alas-tres na, mag-i-Eat Bulaga ka pa mamaya, uwi na.”  Hehe. 

Natuto kaming magtipid dahil sa bilyar; dahil sa kaadikan sa bilyar.  Biruin mo yon, okay na sa amin ang palutong 10 pisong Lucky Me Instant Canton sa bilyaran.  Tapos kung hindi pa ganon kaganda ang pulso namin sa araw na yon, ang ending namin e sa Lugawan sa PRC.  7-9 pesos na lugaw with egg o kaya, goto.  Bibili pa kami ng 1 liter na Royal pangtulak.  Solb. 

All in the name of BILYAR!




Saturday, September 17, 2011

WAGI!


Nakakatuwa. 
Napapangiti na lang ako sa tuwing may babati sa aking kakilala at pumupuri sa mga ginagawa kong blogs.  Nakakataba rin ng puso lalo na kapag nakakatanggap ako ng mga komento mula sa mga hindi ko talaga kakilala.  Dahil mayroon na palang ibang nagbibigay-panahon para magbasa maliban sa aking pamilya o mga kamag-anak!   

Naaalala ko pa noong pinadala ako ng school namin para sa isang Sanaysay Writing Contest sa Nayong Pilipino.  Ang topic, si Jose Rizal.  Memorable kasi hindi ako nanalo.  Kahit ‘yung pambato talaga ng school namin e umuwi ring luhaan.  Ang tangi lang consolation: libreng tinapay at softdrinks na bigay ng teacher namin, at saka, Certificate of Participation. 

Sa ngayon, alam kong hindi pa rin pagsulat ang aking cup of tea.  Aminado akong I am not good with words pa rin at hindi ako katulad ng iba na natapilok lang e nakagawa na agad ng obra-maestrang blog mula sa pagkatapilok nya.  Sila talaga, sa palagay ko, ang mga mababangis.    

Nagsimula lang naman talaga ‘to noong nagkaanak ako. 

Wala kasi ako talagang masasabihan ng mga niloloob ko tungkol sa pagsisimula ng bagong yugto sa buhay ko.  Tapos nami-miss ko ang Caleb namin.  Alangan namang sabihin ko sa Misis ko.  E ‘di dalawa pa kaming nagngawaan. 

Marami rin kasi akong iniisip, mga plano ba, saloobin.  First time daddy, syempre wala pa akong experience.  Tapos, malayo pa sa mga kaedarang nagsisimula sa pagpapamilya.  Wala talaga akong matatanungan.  Effort naman kung mag-overseas call pa ‘ko lagi o kaya magPM-PM sa mga kakosang daddies.  Alam ko naman, lahat busy.  Kahit dito.  Kahit mayroong mangingilan-ngilang kumpadreng maaaring maka-bonding e hindi ko pa rin magawang mang-abala.  Syempre, busy din sila.     

Gusto ko rin sanang i-chronicle para doon sa mga katulad kong newbie sa daddyhood.  Alam ko kasi hindi madali. 

Saka ang ultimate consolation sana e kung dumating ang araw at mabasa mismo ng aming anak ang aming pinagdaanan, bilang pamilya, habang sya ay lumalaki.  Again, hindi kasi talaga ganoon kadali.  Pero ang mga natututunan namin sa ngayon, ang sa palagay ko, ang magpapatatag pa lalo ng pundasyon ng aming pamilya para sa napakahaba pang panahong pagsasamahan namin.   

Kung natalo man ako DATI sa Nayong Pilipino, alam kong PANALO na ako NGAYON sa Laro ng Buhay. 
Ang mahalaga kasi e ang laging PAGBANGON, at gamitin ang bawat natututunan, sa pagharap ng NGAYON. 

Saturday, September 10, 2011

Faith-Hope-LOVE




Ang buhay-OFW, tulad ng status sa FB, ay complicated. 

Hindi ito isang teleserye na happily-ever-after na ang ending kapag nakita na ang diary.
 
Hindi rin ito parang isang pelikulang pang-horror, o action, o thriller, na kapag halos malapit ka nang kainin ng monster ay biglang dadating si Super Inday at dala ang kanyang Golden Bibe.

Pero hindi ko maintindihan.  Ewan ko ba.  Kung bakit marami pa rin ang sumusubok.  Nagbabaka-sakali.  Sumusugal. 

***

Galing ng Pinas, nagtrabaho sa Qatar.  Umuwi ng Pinas tapos naglamyerda sa Hongkong.  Umuwi ulit ng Pinas tapos naglamyerda sa Singapore.  Umuwi ulit (ulit) ng Pinas tapos bumalik sa Singapore. 

Sa wakas andito na SIYA.  Sa UAE!   

Tawag namin sa kanya ay ATE.  Befitting dahil sya ay isang responsible, malambing at bibang sibling-next-to-me. 

She is an epitome of kindness and silent calm.  Dahil mahilig syang matulog.

She exudes generosity.  Bilhan ba naman ako ng 13K worth na maleta! 

She is very loving.  Yun na yon. 

Kasama ang isa pa naming kapatid, si Giliw, mahilig kaming umatak.  Sa paggala, pagkain, footspa, pagkain, masahe, pagkain, shopping, pagkain, sine, pagkain, pagtravel, pagkain, dvd marathon, pagkain, pagkain at pagkain.  Kaya si Giliw, si ate --- SEXY! 

Paborito naming lokohin si Ate. 

Na parang sya yung modela sa patalastas ng stresstab.  Lagi kasi syang pagod-lupaypay-antok, pagdating ng bahay.  Tuloy, lagi syang huli sa mga latest tv shows.

Minsan magugulat na lang kami na hahagalpak sya ng tawa.  Weird.  E ang luma na kaya nung commercial.

Minsan naman magdyo-joke.  Hindi naman namin ma-gets.  Siguro it’s us.  Mababa lang siguro ang IQ namin.  Siguro Promil ang pinainom sa kanya nung baby pa sya.  Kami, am.      

Pero that what makes Ate very funny.  Not easily swayed.  Basta tatawa sya kung gusto nya.  Wala syang paki.
 
Lagi pa syang may pasok sa work.  Kahit holiday, basta hindi scheduled holiday o biglaang holiday lang, may pasok sya.  Kahit lahat na ng tao sa Metro Manila e naka-off na, sya, asahan mo, may pasok pa.

Ganon daw talaga sa kanila.  Service-oriented.  Open 24/7.  ‘Coz we got it all for you. 
***

Minsan iniisip ko, bakit marami pa rin ang sumusubok?  Nagbabaka-sakali?  Sumusugal? 

Dahil ba sa nananalig tayo na mayroong magandang plano si Bro kahit saanman tayo naroroon? 

Dahil ba umaasa tayo na may padating na mas magandang bukas para sa atin? 

Dahil ba sa tayo’y umiibig kaya hindi alintana ang kahit anumang sakripisyo? 

Kaya I honor you Ate. 

Alam ko hindi madali para syo ang pagpunta dito.  Panibagong adjustment na naman.  Bagong lugar.  New set of people.  Lahat bago. 

Wala ka na ulit sa comfort ng ating malambot ng unan.  Wala ka na ulit sa comfort ng ating malupit na kumot.  Sa masarap na luto ni Mama.  Sa mga pagmamaneho ni Papa.   

Pero wag kang malulumbay.  Masasanay ka rin.  Ganon lang talaga.  Isa ka kasing newbie. 

Saka andito naman kami.  Susuporta.  Tutulong.  Magdarasal.  Karamay mo.  Sa good times.  And better times. 

At saka.  Mahal ka kaya namin.  May problema pa ba?      

Sa ngayon, karirin mo lang ang pagsi-CV:  Sa katirikan ng araw at paglubog nito.  Mula sa pinakatuktok na palapag hanggang sa pinakababa.  (Mag-thank-you ka nga pala kay Elisha Otis.  Di ba ganda ng invention nya?)  Sa internet, sa dyaryo, sa mga kakilala. 

Wag kang mag-alala.  Onteng-onte na lang.  Kaya mo yan.  Dahil malapit na.  Basta promise mo ha.  Libre mo kami sa Ponderosa.